in

Thomjay at Naiv, nagsama para sa R&B love song na ‘Ikaw’

Ang singer, songwriter, at rapper na si NAIV ay dating na-feature din sa Spotify Fresh Finds Philippines para sa single niyang “Ignition.”

Ibinuhos ng promising Tarsier Records artists na sina NAIV at Thomjay ang kanilang damdamin sa R&B single na “Ikaw” na nanguna agad sa Spotify Fresh Finds Philippines playlist noong Pebrero 3.

Dala ng awiting isinulat mismo nina NAIV at Thomjay kasama si Jianluigi Masongsong ang mensahe ng pag-ibig sa taong minamahal at ang iba’t ibang emosyon na kaakibat nito. Ipinrodyus naman ito ni Plumberboi.

Bukod sa Fresh Finds Philippines, umarangkada rin sa ika-11 pwesto ng OPM Rising playlist ng Spotify ang awitin.

Ang singer, songwriter, at rapper na si NAIV ay dating na-feature din sa Spotify Fresh Finds Philippines para sa single niyang “Ignition.” Kasalukuyan siyang nag-aaral ng Bachelor of Music in Music Performance sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Bago ang kantang “Ikaw,” iba’t ibang R&B tracks na ang inilabas ni Thomjay tulad ng “Selfish” at “Naked” at bahagi rin siya ng Olongapo City artists group na “ID-IO Collective.” Mahilig siyang umawit mula pagkabata at ilan sa kanyang mga naging impluwensiya sa musika sina Chris Brown, Daniel Caesar, Justin Bieber, at Zayn.

Idagdag sa iyong chill playlist ang “Ikaw” na napapakinggan sa iba’t ibang digital platforms at napapanood ang lyric video nito sa YouTube. Para sa ibang detalye, sundan ang Tarsier Records sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at YouTube.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Judy Ann Santos at Sam Milby, bibida sa kanilang unang horror movie together na ‘The Diary of Mrs. Winters’

Nickelodeon star Eduard Banez ‘ninakawan’ ng $345 sa banko