in

Nakatutok sa ‘Ever Night,’ parami nang parami

Subaybayan ang huling linggo ng “Ever Night” tuwing 10:15 PM sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5.

Patuloy na lumalakas ang Chinese drama ni Dylan Wang na “Ever Night: War of Brilliant Splendours” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5.

Bukod sa umaariba sa TV ratings, umaani ng mga magagandang reaksyon ang late-night series sa social media. Natuwa ang netizen na si Khing Lee Ramos nang malaman na patok ang serye sa mga Pinoy, “Lakas ng ‘Ever Night,’ ang ganda naman kasi.”

“True. Pinagpupuyatan ko pa ‘yan lalo na ngayon na malapit na siyang matapos. Worth it ‘yung pagpupuyat, sobrang ganda talaga,” sumang-ayon si Zhineth Spear Lau-bit.

Ibinagi naman ni Florinda Blanco Ogsid sa isang teaser, “Ang ganda ng serye na ‘yan, my goodness.”

“Abang na abang talaga kami simula ‘TV Patrol’ hanggang ‘Ever Night,’” komento ni Azia Ferrer.

Sinusubaybayan ng mga manonood ang lakbay ni Ning Que (Dylan Wang) kalabanin ang kadiliman habang pinoprotektahan ang minamahal niyang si San San (Song Yi Ren).

Sa kasalukuyan, unti-unti nang nananalo ang kampo ng kadiliman at nawawalan na ng pag-asa si Ning Que na matupad ang kanyang tungkulin na iligtas ang mundo.

Panahon na ba para sumuko si Ninq Que? Subaybayan ang huling linggo ng “Ever Night” tuwing 10:15 PM sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Magandang Buhay,’ mapapanood na sa TV5 simula ngayong Lunes

Carlo Bautista, naglabas ng rock remake ng ‘Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong’