in

Carlo Bautista, naglabas ng rock remake ng ‘Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong’

Sa tulong ng music producer na si Darwin Hernandez, binigyan ng kakaibang atake ni Carlo ang awitin na swak pang-senti o hugot moments.

Binigyan ng alternative rock twist ni dating “Idol Philippines” season 1 contestant Carlo Bautista ang hit song na “Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong.”

Unang inawit ni JM de Guzman ang kanta mula sa komposisyon ni Kyle Raphael Borbon na nagwagi bilang Best Song sa “Himig Handog 2018.” Dala ng awitin ang mensahe ng pighati at sakit na dulot ng pag-ibig.

Sa tulong ng music producer na si Darwin Hernandez, binigyan ng kakaibang atake ni Carlo ang awitin na swak pang-senti o hugot moments.

Bilang pop-alternative singer at songwriter, nakilala si Carlo sa kanyang awitin na “Puro Laro,” na naging bahagi ng IWantTFC series na “Mga Batang Poz,” at “Kwarto.” Bukod pa rito, nag-record din si Carlo ng music demos para sa hitmakers tulad ni Gary Valenciano at sumali rin siya sa singing competition ng “It’s Showtime” na “Tawag ng Tanghalan” noong 2018.

Damhin ang senti vibes sa bagong bersyon ng “Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong” na napapakinggan sa iba’t ibang music platforms at panoorin ang visualizer nito na available sa ABS-CBN Music YouTube channel. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Nakatutok sa ‘Ever Night,’ parami nang parami

‘Darna,’ may bigating digmaan sa huling dalawang Linggo