in

‘Darna,’ may bigating digmaan sa huling dalawang Linggo

Simula nang umere ang “Darna” noong Agosto 2022, namayagpag ang programa bilang isa sa top-rating series sa telebisyon at digital.

Bitbit ang pagnanais iligtas ang Nueva Esperanza at ipaghiganti ang pagkamatay ni Regina/ Valentina (Janella Salvador), handa na si Darna (Jane de Leon) na harapin ang pinakamantinding giyera na sisindak sa huling dalawang linggo ng “Mars Ravelo’s Darna.”

Nakalatag na ang plano ni Heneral Borgo (Richard Quan) para mapatay si Darna pagkatapos patayin ng kanyang Super Soldiers si Regina. Patuloy naman ang paglaki ng kanyang hukbo dahil isa na ring Extra si Ali (Mark Manicad) na may taglay na laser at heat vision superpower.

Sa gitna ng matinding kaguluhan sa Nueva Esperanza, patuloy naman si Darna sa paghahanda sa kanyang mga kababayan para matutong ipagtanggol ang sarili at tulungan ang isa’t isa. Pero kakayanin pa kaya niyang magwagi sa digmaang ilulunsad ni Borgo at ng kanyang mga Super Soldiers?

Samantala, dinumog naman ng libo-libong fans ang back-to-back #DarnaCaravan na ginanap sa Vista Mall Bataan at Robinsons Galleria South sa Laguna noong Sabado (Enero 28 )at Linggo (Enero 29). Nagpasalamat ang “Darna” cast sa mga manonood sa patuloy nilang suporta at pagmamahal sa programa.

Lilipad din ang “Darna” cast sa KCC Mall sa General Santos City sa Biyernes (Pebrero 3) at Ayala Malls Trinoma sa Linggo (Peb. 5) para sa pagpapatuloy ng caravan.

Simula nang umere ang “Darna” noong Agosto 2022, namayagpag ang programa bilang isa sa top-rating series sa telebisyon at digital. Patuloy rin itong nangunguna bilang most-watched show sa iWantTFC, inaabangan araw-araw ng mahigit sa 100,000 concurrent viewers sa Kapamilya Online Live, at umaani ng milyon-milyong combined views sa YouTube kada episode.

Naging most-searched primetime Philippine TV series din sa Google ang “Darna.” Noong 2022, umani rin ito ng iba’t ibang Darna-related content sa TikTok na may #Darna na may pinagsamang 2.3 billion views.

Abangan ang pinakamatinding giyera sa huling dalawang linggo ng “Darna,” Lunes hanggang Biyernes, 8 pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z, at TV5. Available rin ang ABS-CBN series na prinodyus ng JRB Creative Production sa iWantTFC at TFC.

Para sa iba pang impormasyon, sundan ang JRB Creative Production sa Facebook at Twitter (@JRBcreativeprod) at sa Instagram (@JRBcreativeproduction).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Carlo Bautista, naglabas ng rock remake ng ‘Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong’

Lahat Ng Pelikulang May Love, Best Romcoms, at Pinagtagpo Pero ‘Di Tinadhana Tampok Sa iWantTFC