in

Sparkle GMA Artist Center, all set na sa kanilang biggest Fans Day!

Sa Instagram page ng Sparkle ay inanusyo na ang “Sparkle Fans Day: Isang Pasasalamat” event na gaganapin on November 20 sa SM Skydome.

Tuluy-tuloy ang sorpresa na hatid ng Sparkle GMA Artist Center para sa lahat ng mga Kapuso.

Matapos ang first-ever Halloween event na #TheSparkleSpell last month, kasado na rin ang biggest fans day na hatid ng Sparkle para sa lahat ng kanilang fans and supporters.

Sa Instagram page ng Sparkle ay inanusyo na ang “Sparkle Fans Day: Isang Pasasalamat” event na gaganapin on November 20 sa SM Skydome.

Present sa star-studded event na ito ang mga paboritong Sparkle stars na maghahandog ng iba’t ibang performances at surprises sa kanilang mga tagahanga.

Ikinagulat nga ng kanilang supporters ang magkakasunod na big events ng Sparkle, “Kaka Halloween Sparkle Spell lang may Grand fans Day pa? Wow dami ganap ng GMA!! Kayo naaa!!”

Todo-abang naman ang fans at netizens kung sino-sino sa kanilang favorite Kapuso stars ang makakasama nila, “Excited sa Ysaguel” comment ng isang diehard fan nina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix.

Hindi rin nagpatalo ang team Jolly nina Sofia Pablo at Allen Ansay na looking forward na maka-bond ang kanilang mga idolo, “TEAM JOLLY PAKILIGIN NIYO KAMI LALO SA LIVE PLEASE!!!!!!!!!!!!!”

Para sa iba pang updates, tumutok lang sa social media accounts ng Sparkle.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

BGYO, nagdadala ng kilig sa bagong album na ‘Be: Us’

Richard Gutierrez, bibida sa unang pagkakataon sa bigating aksyon serye na ‘Iron Heart’