in

Krystal Brimner may mensahe sa mga kapwa Gen Z sa Debut EP

Bago maglunsad ng solo music career, bahagi si Krystal ng “ASAP” trio na A.S.K. kasama sina AC Bonifacio at Sheena Belarmino.

Fresh na tunog ang bida sa debut extended play (EP) ng emerging teen artist na si Krystal Brimner na pinamagatang “Let Me Be Me” at talaga namang patunay sa magandang hinaharap ng kanyang karera.

Maririnig sa five-track EP mula sa Star Pop ang diwa ng pagiging bata na relatable sa mga kapwa Gen Z ni Krystal. Aniya, “Tungkol ito sa pagtitiwala sa sarili, paglabas at pag-experience sa buhay, at syempre pagfo-focus sa ngayon at pag-enjoy sa bawat moment.”

Isinulat ni Krystal ang key track ng EP na “Trippin’” na tungkol sa pagkakagusto sa isang tao na dati ay kaibigan lang. Tampok sa kanta ang nakakabilib na boses ni Krystal at nakakaadik na beat.

Kabilang din sa mini album ang mga awiting “Higher” at “Like What I See” na isinulat ng kapwa niya ABS-CBN Music artists na sina SAB at Jayda. Si SAB din ang nagsulat ng nauna nang nai-release na single ni Krystal na “Young” habang si Trisha Denise naman ang sumulat sa “Let Me Be Me.” Si Star Pop head Rox Santos ang nagprodyus ng lahat ng kanta sa EP.

Bago maglunsad ng solo music career, bahagi si Krystal ng “ASAP” trio na A.S.K. kasama sina AC Bonifacio at Sheena Belarmino. Nakilala rin ang Fil-Scot Kapamilya artist bilang child actress na gumanap sa pelikulang “Honor Thy Father” at bumida sa Manila production ng musical na “Annie.”

Abangan ang upcoming projects ni Krystal at sundan siya sa Facebook, Instagram, Twitter, TikTok, at YouTube. Pakinggan ang debut EP niyang “Let Me Be Me” sa YouTube at iba’t ibang digital music platforms. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook (www.facebook.com/starpopph) at sa Twitter at Instagram (@starpopph).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

ABS-CBN, hinirang na Best TV Station of the Year sa Inding-Indie Excellence Awards 2022

Belle Mariano, hinirang na Outstanding Asian Star sa Seoul Drama Awards 2022