in

ABS-CBN News, handog ang ‘SONA 2022’ Multimedia Coverage para sa sambayanang Pilipino

Matutunghayan din ang komprehensibong “SONA 2022” coverage ng ABS-CBN sa Kapamilya Channel at A2Z kasama naman sina Henry Omaga-Diaz at Karen Davila simula 3:20 pm.

Masusubaybayan ng mga Pilipino ang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. tungkol sa plano ng bagong administrasyon kung paano lulutasin ang iba’t ibang mga hamon na hinaharap ng bansa sa pamamagitan ng “SONA 2022” multimedia coverage ng ABS-CBN ngayong Lunes (Hulyo 25).

Magkakaroon ang ABS-CBN News ng “SONA 2022” livestream sa Facebook (Facebook.com/abscbnNEWS), YouTube (YouTube.com/ABSCBNNews), ABS-CBN News app, iWantTFC, at sa website nito (news.abs-cbn.com). Available rin ang audio streaming sa ABS-CBN Radio app pati na sa YouTube channel ng TeleRadyo.

Sa telebisyon, mangunguna ang broadcast journalists na sina Alvin Elchico at Jeff Canoy sa “SONA 2022” coverage ng TeleRadyo pagsapit ng alas 2 ng hapon, habang sina Peter Musngi at Rica Lazo naman ang makakasama ng viewers simula 5:30 pm. Eere rin ang “SONA 2022” coverage sa ANC simula 3 pm kasama sina Karmina Constantino at Ron Cruz.

Matutunghayan din ang komprehensibong “SONA 2022” coverage ng ABS-CBN sa Kapamilya Channel at A2Z kasama naman sina Henry Omaga-Diaz at Karen Davila simula 3:20 pm.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Irma Adlawan, magpapaka-ina kay Elisse Joson sa ‘MMK’

Pagbabalik-’ASAP’ ni Sarah Geronimo, magaganap na ngayong Linggo