in

Irma Adlawan, magpapaka-ina kay Elisse Joson sa ‘MMK’

Labis nga ang paghanga ni Joy sa kabaitan at sakripisyong ginawa ng kanyang tita sa kanila.

Bida ang mga tita ngayong Sabado (Hulyo 23) sa pagdiriwang ng “MMK” ng World Aunt’s Day sa isang kwento ng pag-ako ng responsibilidad ni Marlita (Irma Adlawan) na alagaan ang kanyang pamangkin na si Joy (Elisse Joson) matapos itong iwan ng ama para sa ibang pamilya nang mamatay ang kanyang ina.

Sa umpisa pa lang, malaking sakripisyo agad ang ginawa ni Marlita para sa pamangkin na si Joy at kapatid nito. Bukod sa paglayo sa mga magulang at kinagisnang buhay sa Samar, tinanggihan din nito ang alok na kasal ng nobyo nang hindi nito tinanggap ang kanyang mga pamangkin.

Sa pagdaan ng panahon, mas napalapit ang loob ni Marlita kay Joy na tinuring siyang matalik na kaibigan at ‘mama.’ Labis nga ang paghanga ni Joy sa kabaitan at sakripisyong ginawa ng kanyang tita sa kanila.

Kaya naman nang ipa-ako sa kanya ng kanyang madrastaang pag-alaga sa half-sister niyang si Sophia ay agad siyang pumayag. Alamin kung paano tinaguyod ni Joy ang pag-aalaga sa kapatid sa tulong ni Marlita.

Patuloy na panoorin ang mga nakakaantig na kwento ng mga Pilipino sa “MMK” tuwing Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, and iWantTFC. For viewers outside of the Philippines, catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Agot Isidro, tutulungan si Daniel Padilla sa ‘2 Good 2 Be True’

ABS-CBN News, handog ang ‘SONA 2022’ Multimedia Coverage para sa sambayanang Pilipino