Patuloy ang Asia’s Soul Supreme na si KZ Tandingan sa pagpapakilala ng musika niya sa buong mundo sa bagong release niyang single na “Winning” na tungkol sa self-empowerment pagkatapos ng isang matinding hiwalayan.
Aniya, “Isang empowering song ang ‘Winning’ na nagpapaalala na sa halip malungkot pagkatapos ng isang bad breakup, pwede namang piliin na manalo in life at ipaglaban ang sarili. Hayaan mong itulak ka nito para higit na mapabuti ang sarili.”
Ang Grammy-nominated Filipino-American producer na si DJ Flict ang nagprodyus ng English pop track na isinulat din niya katulong ang artist-producer na si Phillip Fender aka TxTHEWAY na kinilala sa nakaraang Grammy Awards bilang songwriter para sa nagwaging Best Dance/ Electronic Album. Nagtatampok din ito ng rap verse na nasa wikang Filpino na si KZ mismo ang sumulat. Ginawa ang recording ng kanta sa recording studio ni Flict sa Venice, California.
Hatid ng latest song mula sa Tarsier Records label ng ABS-CBN ang pinagsama-samang mensahe ng self-love, growth, at tiwala sa sarili, palabang melody, futuristic production, at Afro-beat pulse, at syempre ang unique vocals ni KZ.
Noong nakaraang taon, sinimulan na ng Kapamilya singer ang kangyang pagsabak sa global stage sa una niyang international single na “11:59” na mula rin sa Tarsier Records. Mula ito sa collective musical genius nina Grammy-nominated producer Luigie “Lugo” Gonzales, Paulino Lorenzo, at Idrise Ward-El.
Kasunod ng kanyang unang international music release, naging cover din si KZ ng EQUAL Global playlist ng Spotify at bumida sa isang prominenteng billboard sa Times Square sa New York City.
Mapapakinggan na ang “Winning” single ni KZ sa iba’t ibang music platforms worldwide. Para sa updates, sundan ang Tarsier Records sa social media @tarsierrecords.