in

Martin Nievera, live ma live magbabalik sa ‘ASAP Natin ‘To’ stage ngayong Linggo

Talagang tuloy-tuloy ang summer init dahil isa nanamang nagbabagang concert experience ang naghihintay sa mga manonood sa “ASAP Natin ‘To,” live na live ngayong Linggo (Abril 3) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Talagang tuloy-tuloy ang summer init dahil isa nanamang nagbabagang concert experience ang naghihintay sa mga manonood sa “ASAP Natin ‘To,” live na live ngayong Linggo (Abril 3) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Pakatutukan ang engrandeng pagbabalik sa ASAP stage ng nag-iisang Concert King, Martin Nievera, kasama sina Zsa Zsa Padilla, Klarisse de Guzman, KZ, at Regine Velasquez sa “The Greatest Showdown,” tampok ang classic hits ng Pinoy composer na si Willy Cruz.

Bago magpakilig ang Kapamilya digital series na “How to Move On in 30 Days,” may duet na inihanda ang mga artista nitong sina Maris Racal at Albie Casiño, habang dadayo rin ngayong Linggo ang co-stars nilang sina Sachzna Laparan, Jai Agpangan, at Kyo Quijano.

Hindi rin pahuhuli ang stars ng “He’s Into Her” Season 2 na sina Belle Mariano, Jeremiah Lisbo, Kaori Oinuma, Vivoree Esclito, Criza Taa, Joao Constancia, Ashley del Mundo, Dalia Verde, Gello Marquez, at Limer Veloso kasama ang bagong BearKada na sina Rajo Serrano, River Joseph, CJ Salonga, Zach Castañeda, JC Alcantara, at Shanaia Gomez.

Maki-throwback sa ’90s hits performance nina FANA, Jason Dy, Martin, Zsa Zsa, Regine, KZ, Kim Chiu, Enchong Dee, at ang buong “ASAP Natin ‘To” family.

Damang-dama ang init sa paghataw ni AC Bonifacio kasama ang G-Force, at sa dance showdown nina Kim, Enchong, Kyle Echarri, Edward Barber, at Janella Salvador.

Palamigin naman ang inyong summer weekend sa sessionistas number nina Anji Salvacion, Angela Ken, Sam Cruz, Jordan Andrews, Jeremy G, at Diego Gutierrez kasama sina Ice Seguerra, Nyoy Volante, and Juris.

Humanda rin sa senti biritan ng New Gen Birit Singers na sina Sheena Belarmino, Sam Mangubat, Janine Berdin, JM Yosures, at Elha Nympha. At abangan din ang bigating collab kantahan nina Erik Santos, Nina, Zsa Zsa Padilla, at Regine Velasquez.

Salubungin ang April weekend kasama ang inyong paboritong Kapamilya stars sa longest-running musical variety show sa bansa, ang “ASAP Natin ‘To,” live na live ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

DZBB, may bagong programang ‘SumasaPuso’ tuwing tanghali

Concert nina Julie Anne San Jose, Jessica Villarubin, at Xian Lim sa Dubai, dinumog ng mga Pinoy!