in

DZBB, may bagong programang ‘SumasaPuso’ tuwing tanghali

Pakinggan ang ‘SumasaPuso’ kasama si Toni Aquino, Lunes hanggang Biyernes tuwing 12:30 ng hapon sa Super Radyo DZBB 594 kHz.

Handog ng Super Radyo DZBB 594 ang bagong programang pagsasaluhan tuwing tanghali, ang “SumasaPuso” kasama si Toni Aquino.

Mapakikinggan tuwing Lunes hanggang Biyernes, isinasapuso ng programa na may kwento ang bawat musika at alaalang nakaukit sa isang tao. Sa loob ng dalawang oras, mapakikinggan dito ang iba’t ibang istorya mula sa mga sulat na sasamahan pa ng drama at mga kantang hindi malilimutan.

“Pakinggan at ating pagsaluhan ang iba’t ibang istorya ng lungkot at ligaya, pighati at pag-asa. Mga kwentong sumasainyo, mga damdaming sumasapuso,” saad ni Aquino.

Pakinggan ang ‘SumasaPuso’ kasama si Toni Aquino, Lunes hanggang Biyernes tuwing 12:30 ng hapon sa Super Radyo DZBB 594 kHz.

Mapapakinggan din ito online via audio livestream sa official website ng DZBB, www.gmanetwork.com/radio/streaming/dzbb.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Charlie Dizon, nahirapan sa long distance relationship sa ‘MMK’

Martin Nievera, live ma live magbabalik sa ‘ASAP Natin ‘To’ stage ngayong Linggo