SUMUKO sa QC Regional Trial Court ang vlogger na si Jon Gutierrez alyas King Badger nitong nakaraang linggo kaugnay sa kaliwat-kanang kasong Concubinage at Violence Against Women [And Children] na inihain laban sa kaniya ng aktres at kanyang dating asawa na si Jelai Andres.
Agad naming sumuko si King Badger at nagpiyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Matatandaang idinemanda ni Jelai si King Badger noong nakaraang taon dahil sa pakiki-apid nito kay Juliennes Vitug a.k.a. Yumi Garcia, na nuon ay isang menor de edad. Sa kasalukuyan ay nasa hustong edad na si Yumi upang panagutan ang kanyang pagkakasala at mapatawan nang kaukulang kaparusahan ng ayon sa batas.
Ang sabi ni Jelai noong nakaraang taon sa kanyang interbyu noong panahong inihain niya ang kasong Concubinage sa dalawa, “Ang kasal ay isang sakramento, wag nating gawing normal ang pakiki-apid. Nawa’y maging isang leksyon ito sa mga may mister na pasaway at sa mga babaeng walang pakundangan makipag-relasyon sa mga lalaking alam naman nilang may asawa.”
Ayon sa abugado ni Jelai na si Attorney Faye Singson ay “Nararapat lamang lang na makamit ni Jelai ang hustisya’t katarungan, sapagkatl hindi naging madali ang pinagdaanan niya. Tunay ngang siya ay nahirapan, at matinding trauma ang naranasan niya dahil sa sakit na dulot ng pagtataksil ni King Badger at Yumi.”