in

‘Pinoy Big Brother,’ ipinakilala na ang Adult Kumunity Final 5!

Nakumpleto na ang Adult Kumunity Final 5 ng “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” na sina Nathan Juane, Michael Ver Comaling, Seham Daghlas, Isabel Laohoo, at Zach Guerrero.

Ito ay matapos ma-evict nina Laziz Rustamov at Raf Juane na nakakuha ng 4.42 percent votes at 6.17 percent votes mula sa combined text at Kumu votes, habang 26.68 percent votes ang nakuha ni Zach at 52.21 percent votes naman kay Isabel.

Unang nakapasok sina Nathan at Michael sa Final 5 matapos nilang piliin na tapusin ang task ni Kuya na i-shoot ang pingpong ball sa isang obstacle. Nakuha naman ni Seham ang slot niya nang pinakahuling nakahulog ng bola sa kanilang task para sa automatic slot sa Final 5.

Abangan ang kanilang haharapin pang mga hamon para sa pagkakataong maging Big Winner ng “PBB Kumunity Season 10” kalaban ang Celebrity Kumunity Top 2 na sina Alyssa Valdez at Anji Salvacion mula sa Celebrity Edition at ang mga mananalo sa Teen Edition.

Ngayong linggo, sisimulan namang ipakilala ang mga teen housemate na papasok sa Bahay ni Kuya ngayong linggo sa pagsisimula ng Teen Edition kasama ang pamilya ni Kuya sa pangunguna nina Bianca Gonzalez, Kim Chiu, Robi Domingo, Enchong Dee, at Melai Cantiveros.

Tumaas din ang tensyon sa bahay ni Kuya dahil sa pag-arte ng houseplayer na sina Marky Miranda at Jannene Nidoy na palabasin ang totoong mga ugali ng natitirang housemates. Kinagiliwan ito ng netizens dahil nakita umano nila kung sino ang mga nagpapakatotoo. Hinangaan din si Marky sa kanyang husay sa pag-arte, kaya naman naipanalo nila ang task.

Tagumpay din ang adult housemates sa kanilang stand up task, kung saan kailangang nakatayo lang sila sa kahit anong gagawin para sa weekly task.

Sama-sama nating kilalanin ang mga bagong aabangan housemate sa “PBB Kumunity Season 10” Teen Edition. Sundan ang official “PBB” social media accounts na @PBBabscbn sa Twitter at @PBBabscbntv sa Facebook at Instagram sa at manood ng “Kumulitan” sa @pbbabscbn sa Kumu ng 5:45 pm at “Kumunity G sa Gabi” ng 9 pm.

Tutok lang sa “PBB Kumunity Season 10” Adult Edition sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWantTFC, at TFC tuwing 5:45 pm mula Lunes hanggang Biyernes at ang replay nito tuwing 11:10 pm ng gabi. Eere naman ito tuwing 7 pm kada Sabado at Linggo.

Samahan din ang mga housemates mula sa teen Kumunity harapin ang kanilang teen summer adventure para maipakita ang kanilang pagpapakatotoo! Kaya tutok lang every 5.45pm every weekdays and 7pm on weekends sa sa A2Z Channel, iWantTFC, TFC, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live & Jeepney TV at abangan din ang dailly Kumulitan sa app.kumu.ph/pbbhouse

Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Nasa korte na ang kasong Concubinage ni King Badger at ang naturang kabit na si Yumi Garcia

Muling pagbangon at pagmamahal sa sarili: Mensahe ng ilang Female OPM Artists ngayong Women’s Month