Ramdam ang Pinay power sa musika ngayong ipinagdiriwang ang Buwan ng Kababaihan dahil iba’t ibang local artists ang nagpaparating ng inspiring at empowering na mensahe para sa kapwa babae sa pamamagitan ng kanilang mga kanta.
Narito ang mga mahahalang mensahe ng ABS-CBN Music artists na sina Janah Zaplan at ang Tres Marias:
UNAHIN ANG SARILI SA “MAIBA NAMAN” NI JANAH ZAPLAN
Hatid ng Aliw Awards 2019 Best Pop Artist na si Janah ang halaga ng pagsasabi ng totoong nararamdaman sa bago niyang kanta na “Maiba Naman” na isinulat ni Trisha Denise.
Kalakip ng dance-pop song sa liriko nito ang mensahe na unahing mahalin ang sarili bago bigyang prayoridad ang ibang tao. Ika nga ni Janah, “Maiba naman, maiba naman. Unahin ang sarili bago magbigay sa iba.”
LAKASAN ANG LOOB MAKALIMOT SA “BEER DITO” NG TRES MARIAS
Ang “Beer Dito” ang comeback single ng Tres Marias na kinabibilangan ng mga beteranang singers na sina Bayang Barrios, Cooky Chua, at Lolita Carbon pagkatapos ng kanilang mahabang hiatus bilang grupo.
Ngayon, inaaalay nila ang bagong pop-rock tune sa mga nagmahal ngunit hindi pinalad na mahalin nang pabalik at nagnanais nang mag-move on. Si Sigfried Ranada ang sumulat ng kanta na ipinrodyus ni Mike Villegas.
Maging inspired na mahalin ang sarili, makalimot, at bumangon muli sa mga kantang mapapakinggan sa ABS-CBN Star Music YouTube channel at iba pang music platforms. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).