in

Cebuana artist na si Relden, may paalala para sa mga nasa toxic na relasyon

May bagong kanta ang Cebuana singer-songwriter na si RELDEN, ang “iro” na tungkol sa pagkakaroon ng paulit-ulit na problema sa isang relasyon.

Isa sa mga bagong artist ng Tarsier Records si RELDEN na parte ng musical duo na Route 83 noong 2018. Ilan sa mga impluwensiya niya sa musika ay sina Halsey, Billie Eilish, at Anne Marie na dahilan din kung bakit layunin niyang maglabas ng mga kanta na magva-validate sa emosyon ng mga tao ngayong solo artist na siya.

Isang pop-punk na kanta ang ikalawang single niya na “iro” o aso sa Tagalog at may English-Bisaya na lyrics at hangaring paalalahanan ang mga makikinig sa kakayahan nilang umalis sa toxic na relasyon.

Maririnig sa kanta ang matapang nitong lyrics na isinulat ni RELDEN kasama si Raven Tabanera, pati na ang nakakabilib na riffs sa electric guitar at solid na drum rhythm. Swak ang awitin para sa mga nangangailangan ng lakas ng loob.

Bago ang “iro,” inilabas ni RELDEN ang una niyang single mula Tarsier na “Uh-Oh” Nobyembre noong isang taon. Mayroon ding English-Bisaya lyrics ang kanta na para sa mga bully na palaging nagsasabi ng masama sa iba.

Pakinggan ang bagong single ni RELDEN na “iro” sa iba’t ibang digital music services. Para sa updates, sundan ang Tarsier Records sa iba’t iba nitong social media accounts @tarsierrecords.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Dapat Alam Mo!’ wagi sa puso ng viewers

Sagip Pelikula at FDCP, magpapalabas ng Restored Classics sa Manila Metropolitan Theater