in

Jeremy Glinoga, Sheena Belarmino, at Sean Tristan, mga bagong miyembro ng The Squad 2022

Palaki nang palaki ang teen barkada The Squad 2022 ng Dreamscape Entertainment sa pagpasok ng mga bagong miyembro na sina Jeremy Glinoga, Sheena Belarmino, at Sean Tristan. Mas makikilala pa sila at ang ibang squadmates ng fans sa mga bagong vlog sa YouTube ngayong Pebrero.

Kabilang ang “ASAP Natin ‘To” singers na sina Jeremy at Sheena sa ‘Music Squad,’ na kinabibilangan din nina KD Estrada, Anji Salvacion, Angela Ken, at Sam Cruz.

Kada Biyernes, maglalabas sila ng bagong vlog at jam session sa The Squad YouTube channel, na mayroong 3.29 milyong subscribers.

Pasok naman si Sean Tristan, isang sikat na TikToker at social media personality, sa ‘Main Squad’ kasama sina Andi Abaya, Kobie Brown, Keann Johnson, Angelica Lao, Ashton Salvador, Analain Salvador, Raven Rigor, Danica Ontengco, Renshi De Guzman, Margaux Montana, Nio Tria, Alyanna Angeles, Kyron Aguilera, at Haira Palaguitto.

Mas makikilala pa ang Main Squad sa bago nilang mga vlog kung saan sasabak sila sa iba’t ibang challenges , games, at masasayang kwentuhan tuwing Lunes at Miyerkules sa YouTube.

Abangan ang bagong vlogs ng squadmates at mag-subscribe sa The Squad YouTube channel. Isa ito sa YouTube channels ng ABS-CBN na may pinakamaraming subscribers at followers na may 3.29 milyong subscribers at 331 milyong views.

Para makakuha ng updates, i-follow ang @thesquadplus sa Twitter at ang @thesquadplus_ sa Tiktok at Instagram.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Heart Evangelista nag-‘fangirl’ kay Chel Diokno

Mag-ex na nagkita ulit, bida sa bagong kanta ng Kiss N Tell