in

Heart Evangelista nag-‘fangirl’ kay Chel Diokno

Hindi napigilan ng aktres na si Heart Evangelista ang sarili na mag-“fangirl” kay senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno nang magkita sila sa Sorsogon kamakailan.

Nagpost si Evangelista sa Twitter ng larawan ng kanilang pagkikita ni Diokno nang bumisita ang huli sa lalawigan para mangampanya.

“I’m kilig. fan mode @ChelDiokno good luck po,” tweet ni Evangelista.

Bilang tugon, sinabi ni Diokno na siya ang nag-“fanboy” nang makaharap si Evangelista.

“Ako po talaga yung totoong nag fanboy. It was so nice meet you, @heart021485!” sagot ni Diokno sa Twitter.

Binati rin ng human rights lawyer si Evangelista, na magdiriwang ng kanyang kaarawan sa Lunes (Feb. 14).

Nagkaroon din ng “fanboy” moment si Diokno sa pagratsada ng kampanya sa Naga City kung saan nakaharap niya ang ilang artista at mga singer, gaya nina Nikki Valdez, Cherry Pie Picache, Bituin Escalante, Agot Isidro, The Company at Rivermaya.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jeremy Glinoga ipapakita ang iba’t ibang yugto ng pag-ibig sa ‘Maybe Forever’ EP

Jeremy Glinoga, Sheena Belarmino, at Sean Tristan, mga bagong miyembro ng The Squad 2022