in

Jeremy Glinoga ipapakita ang iba’t ibang yugto ng pag-ibig sa ‘Maybe Forever’ EP

Idinaan sa paggawa ng kanta ng Kapamilya singer na si Jeremy G ang mga pananaw niya sa pag-ibig na maririnig sa unang extended play (EP) niya na “maybe forever.”

Tinatalakay sa EP ang iba’t ibang stage ng pagmamahal. Aniya, “Kapag pinakinggan niyo lahat ng kanta, mare-realize niyo na dumadaan tayo sa parehong emosyon. Tungkol ang mga kanta sa pag-asa at sa pag-iisip kung tama ba ‘yung ginawa mo or ‘yung mga nangyari sa’yo.”

Dagdag niya, ipinapakita rin sa EP na walang isang ‘final destination’ ang pag-ibig at na hindi ito kagaya ng iniisip ng marami na simpleng nagsisimula sa pagkakilala ng dalawang tao, dadaan sa pagsubok, at magkakaroon ng ‘happily-ever-after.’

Kasama sa “maybe forever” EP ang limang orihinal na kanta kung saan apat sa mga ito ay composer at co-producer si Jeremy kabilang na ang pre-release single na “someday” at “who knows,” “forever maybe,” at ang key track na “sunflower.” Kasama rin ang komposisyon ni Trisha Denise na “by your side” sa album na ipinrodyus ni Star Pop head Rox Santos.

Paliwanag ni Jeremy, para sa mga natatakot na sumubok magmahal ang “who knows” habang tungkol naman ang “by your side” sa pagsasabi sa mga minamahal mo kung gaano sila kahalaga sa buhay mo.

Samantala, nagpapahayag naman ng pag-asa para sa long distance relationship ang “someday.” Isang kanta naman para sa mga heartbroken ang “sunflower” habang para naman sa mga naghahangad pa rin makasama sa hinaharap ang ex nila ang awiting “forever maybe.”

Bukod sa kanyang debut EP at pagiging regular performer sa “ASAP Natin ‘To,” ipapakita rin ng dating “The Voice Teens” finalist ang kanyang talento sa pag-arte sa ABS-CBN at iQiyi production na “Lyric and Beat” kung saan makakasama niya sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Darren Espanto, AC Bonifacio, Angela Ken, Sheena Belarmino, at iba pa.

Samahan si Jeremy sa iba’t ibang mukha ng pag-ibig at pakinggan ang kanyang debut EP na “maybe forever” sa digital music platforms worldwide. Abangan din ang music video ng “sunflower” sa Pebrero 14 (Lunes), 12 mn sa ABS-CBN Star Music YouTube channel. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook (www.facebook.com/starpopph) at sa Twitter at Instagram (@starpopph).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘The Broken Marriage Vow,’ numero unong show sa iWantTFC at Viu

Heart Evangelista nag-‘fangirl’ kay Chel Diokno