in

Angela Ken bida sa New York Times Square Billboard

Ang Kapamilya talent na si Angela Ken ang pinakabagong artist na bumida sa isang billboard sa Times Square sa New York City bilang cover ng EQUAL campaign ng Spotify Philippines ngayong Enero.

Mag-iisang taon pa lang mula nang maging bahagi si Angela ng ABS-CBN Music at i-release ang hit song niyang “Ako Naman Muna” noong 2021, kaya speechless at hindi siya makapaniwala sa mga blessing na natatanggap niya.

“I am out of words and words will never be enough to say how blessed I am to have amazing people in my life,” ani Angela sa Instagram. Hinikayat niya rin ang mga tagasuporta niya na huwag sukuan ang mga pangarap nila. “Darating din tayong lahat, maniwala lang tayo sa Panginoon at sa sarili natin.”

Ang EQUAL playlist ng Spotify ay isang inisyatibo na naglalayong ibida ang mga babaeng creator sa platform para isulong ang pagkakapantay-pantay sa music industry. Nauna nang naitampok dito ang iba pang Pinay artists na sina Nadine Lustre, Kiana V, Ylona Garcia, KZ Tandingan, at Belle Mariano.

Samantala, ini-release kamakailan ni Angela ang bagong single niya na “It’s Okay Not To Be Okay,” na isinulat niya kasama si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo sa pakikipagtulungan kay Boy Abunda. Kumuha ng inspirasyon ang kanta sa trending question ng ‘King of Talk’ sa Binibining Pilipinas 2021 pageant.

Napasama ang “It’s Okay Not To Be Okay” sa New Music Friday editorial playlist ng Spotify sa Pilipinas at Gulf, at kabilang din ngayon sa Tatak Pinoy playlist. Sa Apple Music naman, naitampok ito sa New Music Daily at Absolute OPM playlists.

Pakinggan ang bagong single ni Angela na “It’s Okay Not To Be Okay” sa iba’t ibang digital music streaming services worldwide. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Nakakagigil na mga eksena sa ‘The Broken Marriage Vow,’ trending sa social media

Celebrities nag-react sa interview ni Boy Abunda kay VP Leni Robredo