in

Angela Ken, nagpakatotoo sa bagong kanta na ‘It’s Okay Not to Be Okay’

Pagkatapos ng kanyang matagumpay na debut single na “Ako Naman Muna,” isa na namang mahalagang mensahe ang hatid ng folk pop artist na si Angela Ken sa kantang “It’s Okay Not To Be Okay.”

Tungkol naman sa pagiging totoo sa nararamdaman ang bagong handog ng singer-songwriter na sa kasalukuyan ay nasa cover ng Spotify EQUAL Philippines playlist. Hango ang kanta sa naging trending question ng King of Talk na si Boy Abunda sa Binibining Pilipinas 2021, “When is it okay not to be okay and when is it not okay to be okay?”

Ang nasabing tanong ay talaga namang pinag-usapan online kaya’t na-engganyo si Tito Boy na iprodyus ang magandang kolaborasyon na isinulat mismo ni Angela kasama si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo.

Naging No.1 Global Viral Hit sa Spotify ang unang kanta ni Angela na “Ako Naman Muna,” na ngayon ay umani na ng mahigit 26 million streams. Mahigit 16 million combined views na rin ang nakamit ng music video at lyric video visualizer nito sa YouTube. Inawit naman niya kamakailan ang “If We Fall In Love” na bahagi ng official soundtrack ng digital series na “Saying Goodbye” na hatid ng ABS-CBN at iQiyi.

Ngayong Enero, pinangungunahan din ng ABS-CBN Music discovery ang mga Filipina artist sa Spotify EQUAL Philippines playlist na naglalayong ibida ang musika ng mga kababaihan.

Pakinggan ang “It’s Okay Not To Be Okay” ni Angela na available na ngayon sa iba’t ibang music streaming services. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Markus Paterson, patuloy ang panggugulo kay Charlie Dizon sa ‘Viral Scandal’

Jonathan Manalo ng ABS-CBN, magsisilbing hurado sa Uplive Worldstage Global Singing Competition