in

OPM Singers sanib-pwersa sa kantang ‘Bayaning Tunay’

Dalawampu’t limang tanyag na mang-aawit ang nagsama-sama para sa kantang “Bayaning Tunay,” isang espesyal na handog para sa mga frontliner na itinuturing na mga natatanging bayani ngayong pandemya.

Inawit nina Ogie Alcasid, Regine Velasquez-Alcasid, Gary Valenciano, Lea Salonga, Zsa Zsa Padilla, Pops Fernandez, Martin Nievera, Lani Misalucha, Noel Cabangon, Piolo Pascual, Bamboo, Ely Buendia, Rico Blanco, Erik Santos, Christian Bautista, Jed Madela, Nyoy Volante, Angeline Quinto, KZ Tandingan, Morissette, Klarisse, Janine Berdin, Jason Dy, Sam Concepcion at Lara Maigue, ang “Bayaning Tunay” ay nagbibigay-pugay sa tapang at pagsisikap na ipinamalas ng mga frontliner sa gitna ng mga pagsubok.

“Bumababa na ang mga kaso ng COVID-19. Praise the Lord! Huwag nating kalimutan ang mga bayaning tumulong sa atin sa panahon ng pandemya, mga nagtrabaho sa mga ospital, silang mga frontliner,” ani Ogie na siyang sumulat ng kanta bilang year-end gift para sa kanila.

Ang proyektong ito ay pinarating niya kay Dr. Tony Leachon, ang chairman ng Kilusang Kontra Covid (KilKoVid), isang civil society group na binuo sa Quezon City bilang tulong sa QC government sa pagpuksa ng COVID-19 virus. Ang KilKovid ay nakipag-ugnayan sa health care workers sector sa tulong ni Dr. Maricar Limpin ng Philippine College of Physicians upang malaman ng mga manggagamot ang tungkol sa suporta na ito.

Handog ng Star Music ang “Bayaning Tunay” na mula sa areglo ni Homer Flores, mastered ni Tim Recla, at prinodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo katulong sina Ogie at Gary V bilang production consultants.

Pormal na inilunsad ang kanta sa “ASAP Natin ‘To” noong Linggo at ngayon ay napapakinggan na sa iba’t ibang music streaming services.

Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Makisalo sa best-of-the-best Yearend Party ng ‘ASAP Natin ‘To’ ngayong Linggo

Charlie Dizon at Joshua Garcia, nagkita na!