in

‘It’s Showtime’ Dancers, nasungkit ang jackpot prize na P150,000 sa Madlang Pi-poll

Isang masaya at emosyonal na reunion ang naganap sa “It’s Showtime” nitong Martes (Dis. 8) matapos mahulaan ng tama ng “It’s Showtime” dancers na sina Stephen Robles, Neri, and Sanrio ang lahat ng pitong tanong sa “Madlang Pi-Poll” at makapag-uwi ng jackpot prize na P150,000.

Pangalawa pa lang sila sa grupo ng studio players na nakapulso sa lahat ng sagot ng madlang pipol matapos itong unang magawa ng G-Force members na sina Jorge Marvin, Myka Gonzaga, at John Michael nitong Setyembre.

Sa huling round, ginamit nila ang poll support para makatulong sa paghula sa tamang sagot sa tanong na “Kailan ka huling napapikit sa sarap?” Matapos ang kanilang diskusyon, pinili nila ang choice na “Noong nakaihi matapos magpigil ng matagal” na siyang sagot ng karamihan ng home viewers (34%).

Napaiyak naman si Stephen sa nangyari at sinabing rinequest niya ito sa kapatid na pumanaw noong nakaraang taon. “Super saya po atsaka ni-request ko ‘to sa kuya ko,” saad niya.

Emosyunal din na nagpasalamat si Neri sa noontime show dahil sa pagpili sa kanilang maglaro sa “Madlang Pi-Poll.” “First all of gusto ko magthank-you sa mga staff ng “It’s Showtime” at sa inyong lahat. (It’s Showtime hosts).Thank you kasi binigyan niyo kami ng trabaho. Lahat kami walang work. Hindi ko ine-expect ito. Noong kagabi pa lang nang tinext ako na maglalaro kami, nanlamig yung kamay ko. Bigla akong nagdasal sabi ko, ‘Lord, ikaw na po ang bahala. Manalo, matalo, kayo na po ang bahala.’ Alam ko tinakda Mo itong araw na ito,” kwento niya.

Magkahalong saya at lungkot naman ang naramdaman ni Sanrio sa pagkapanalo sa contest. Ani niya, “Sobrang saya po tapos nakakalungkot din. Sobrang saya po na nandito kami ulit tapos nakakalungkot kasi hindi na tulad ng dati.”

Sinabi naman ni Vice Ganda na huwag na siyang malungkot at biniro pa tungkol sa kanyang performance. “Huwag kang mag-alala. Dahil sa pinakita mong performance kanina, akong bahala,” saad niya.

Panalo rin naman ang tatlong home viewers matapos magbigay sina Vice at Ogie Alcasid ng P10,000 kasama ng ABS-CBN merchandise bilang consolation prizes.

Panoorin ang “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Erich Gonzales tumira na kasama nina Agot Isidro, Raymond Bagatsing sa ‘La Vida Lena’

Garrett Bolden back-to-back-to-back ang OSTs sa GMA Network