in

Erich Gonzales tumira na kasama nina Agot Isidro, Raymond Bagatsing sa ‘La Vida Lena’

Kay Lena (Erich Gonzales) ba ang huling halakhak? Napanganga na lang si Vanesa (Agot Isidro) dahil nakikitira na si Lena sa kanila at pepestehin sila araw-araw sa “La Vida Lena,” na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Magsisimula na ang paniningil ni Lena ng hustisya dahil pagkatapos makumpirmang ama niya si Lukas (Raymond Bagatsing), gagawin niya itong oportunidad para habulin at simutin ang yaman nito bilang kadugo at tagapagmana nito.

Kaya naman dala-dala ang maleta niya ng mga damit, rumampa si Lena sa mansyon ng mga Narciso at ideneklarang titira na siya kasama ng mga ito nang hindi man lang nagpapaalam sa kanila.

Maraming sikretong hawak si Lena na gagamitin niyang alas sa pagsimot niya ng ari-arian ni Lukas at pagsira sa pamilya nito. Una, alam ni Lena na hindi totoong anak ni Lukas si Adrian (JC De Vera) kay Vanessa kaya nanganganib ang posisyon nito bilang tagapagmana. Alam din ni Lena ang isang madilim na sikreto ni Vanessa — na muntik na nitong lasunin si Lukas dahil sa takot na malaman nito ang totoo.

Mapigilan kaya nina Lukas at Vanessa ang pang-eeskandalo ni Lena?

Subaybayan ang ikatlong season ng “La Vida Lena” mula Lunes hanggang Biyernes, 10 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood ito sa TV5 at A2Z. Mapapanood din sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV ang “La Vida Lena,” na nakasama sa listahan ng mga pinakapinapanood na TV programs sa multicultural Asian homes sa U.S. noong Setyembre.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Amazing Earth,’ may Amazing Holiday Tips ngayong Disyembre!

‘It’s Showtime’ Dancers, nasungkit ang jackpot prize na P150,000 sa Madlang Pi-poll