in

Hothlete John Vic De Guzman, sasabak pa rin sa mga international volleyball competition

Kamakailan lang ay nag-renew ng kontrata sa GMA Artist Center ang hunk volleyball player na si John Vic De Guzman. Aniya, pamilya raw ang naging turing sa kaniya ng mga kasamahan sa GMA.

“Bilang bagong Kapuso, mafi-feel mo na hindi ka lang basta co-artist, naging family ka na rin sa kanila lalo na nung naging part ako ng ‘Owe My Love’ [naramdaman ko talaga ‘yun]. Sobrang masaya ako.”

Hindi man madali na pagsabayin ang career sa showbiz at volleyball pero willing naman si John Vic na magsakripisyo muna para mabalanse ang parehong field.

“Nakausap ko na rin po yung mga manager ko na kapag may international competition, I’ll still be playing sa national team. Then pag off-season na po, dun naman po ako papasok na sa pagiging artista.”

Dagdag pa niya, “Hindi po madali pagsabayin… Kasi may isa ka talagang isa-sacrifice na hindi muna gagawin. But still, sobrang happy ako dahil kahit naglalaro ako, naging Kapuso ako. ‘Yung passion ko sa paglalaro at sa pag-acting, napagsasabay ko.”

Muli namang magsisilbing Philippine Men’s National Volleyball Team Captain si John Vic sa gaganaping SEA Games sa Hanoi, Vietman sa 2022.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Garrett Bolden back-to-back-to-back ang OSTs sa GMA Network

Erin Ocampo, gustong palitan si Jasmine Curtis-Smith sa ‘The World Between Us?’