in

Erin Ocampo, gustong palitan si Jasmine Curtis-Smith sa ‘The World Between Us?’

Sa isang interview para sa recent contract renewal ni Erin Ocampo sa GMA Artist Center, nabanggit ng The World Between Us actress na kung siya raw ang papipiliin kung sinong karakter ang gusto niyang gampanan sa show bukod sa karakter niyang si Vee Mapa, pipiliin daw niya ang karakter ni Jasmine Curtis-Smith na si Lia.

“Siyempre, dun na tayo kay Jas!” natatawang banggit ni Erin. “Alam naman ng lahat na crush ko si Alden, eh. Lagi ko nga silang niloloko… ‘yung kissing scene nila nakailang take ‘yon. Sabi ko kay Jas, ‘Sis, exchange [naman tayo!]'”

Pagkukwento pa ni Erin, masaya siya dahil tila magkakapatid na raw magturingan ang cast ng The World Between Us, “Kakaiba talaga ‘yung bonding namin. Para kaming magkakapatid wala akong masabi. Everyday, nag-uusap kami. Everyday, may nagse-send ng nakakatawa, may nagshe-share ng kung ano’ng nangyari sa araw nila.”

Samantala, ‘wag nang magpahuli sa mga kapana-panabik na eksena sa The World Between Us pagkatapos I Left My Heart in Sorsogon sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Hothlete John Vic De Guzman, sasabak pa rin sa mga international volleyball competition

Enchong Dee, ipagdiriwang ang ika-15 na taon sa showbiz sa ‘ASAP Natin ‘To’