Pinagsama-sama ng House of Mentorque ang pitong (7) mahuhusay na Social Media phenoms upang bumuo ng isang boy group dito sila nagpakita ng kanilang galing sa pagkanta at pagsayaw. Sa kanilang performance ay mararamdaman mo ang intensity at passion sa kanilang ginagawa. Sila ang BEYOND ZERO.
Ang nangungunang production house sa Pilipinas na dalubhasa sa pamamahala ng mga events, ang Mentorque Production (MProd events: Black Party, White Party etc.) ay nagkaroon na ngayon ng talent management na susuporta sa mga talented na Social Media Influencer at Artists. Ang House of Mentorque ay nag-scout sa mga lalaki na ang TikTok views ay umabot sa mahigit 1.3 bilyon at 12.5 milyong digital audiences sa buong mundo. Ang Beyond Zero ay binubuo nina Andrei Trazona, Jester Kyle, Duke Cruz, Jieven Aguilar, Wayne Gallego, Khel Figueroa at Mathew Echavez na lahat ay may parehong gustong abutin ang kanilang mga pangarap na maging entertainment icon.
Sa isang virtual press conference, ang mga future idols na ito ay ipinakilala sa media at ipinakita ang kanilang mga kakayahan na naging dahilan kung bakit sila karapat-dapat na maging bahagi ng grupong ito. Malugod silang tinanggap sa industriya at ng iba pang mga personalidad sa social media na sina Ken San Jose, Argie Roquero, Yuki Takahashi, Franz Mialo, Ralph Alfaro, Andrea Pauline at Austin Ong na mga nagperform din.
Ang Beyond Zero ay kasalukuyang magkasamang sumasailalim sa pagsasanay upang mahasa ang kanilang mga kakayahan, ito ay idinidokumento at ipapakita sa anim (6) na bahaging dokumentaryo na serye sa KTX.ph simula December 18, 2021, na hino-host ni Jessy Mendiola. Sa bawat episode, mas malalaman ang kanilang mga personal na buhay at mga sakripisyo bilang isang grupo para maabot ang mga bagay na natatamasa nila kung nasaan sila ngayon.
Ang kanilang milyon-milyong mga tagasuporta ay nakikibahagi rin sa pagtatanghal ng Beyond Zero sa kanilang launching concert set sa Disyembre 3, 2021 na ipalalabas sa buong mundo sa pamamagitan ng KTX.ph. Kasama sa mga guest performer ang pinakamagaling sa music scene ng Pilipinas, Sexbomb Dancers, Maneuvers, Ace Ramos, Mars Miranda, Quest at JROA.
Saksihan ang kanilang bituin na nagniningning na may degree na BEYOND ZERO.