Lalo pang pinalakas ng GMA Network ang paghahatid ng balita at local features sa Mindanao sa pagbubukas ng GMA Zamboanga.
Pinangunahan ni GMA Regional TV and Synergy First Vice President and Head Oliver Victor Amoroso ang official launch ng GMA Zamboanga nitong Huwebes.
Ito ang ika-apat na regional station ng Kapuso Network sa Mindanao at ika-10 naman sa buong bansa. Mula sa state-of-the art studio sa Zamboanga City, ang GMA Zamboanga ang magsisilbing Western Mindanao hub ng GMA Regional TV at maghahatid ng Serbisyong Totoo sa Kapuso viewers sa Zamboanga Peninsula, partikular sa Zamboanga City at mga probinsya ng Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, at Zamboanga del Norte hanggang sa karatig probinsya ng Basilan, Tawi-Tawi, at Sulu.
Dahil dito, mas lumawak at lumakas pa ang pagbabalita ng unified local Mindanao newscast na GMA Regional TV One Mindanao kasama ang anchor na si Sarah Hilomen-Velasco at co-anchors niyang sina Jandi Esteban mula GMA Davao; Cyril Chaves mula GMA Cagayan de Oro; Argie Ramos mula GMA Zamboanga; at Sheillah Vergara-Rubio at Rgil Relator na parehong magrereport mula sa GMA Davao.