in

‘MMK’ may 30th anniversary treat sa ‘ASAP Natin ‘To’

Unlimited ang saya dahil sa mga inihandang world-class treat ng mga paborito ninyong Kapamilya idol, tulad ng “10Q” kick-off ni Angeline Quinto, King of Pop transformation ni Darren, new single performance mula sa BINI, at ang engrandeng 30th-anniversary celebration ng “Maalaala Mo Kaya” ngayong Linggo (Oktubre 17) sa “ASAP Natin ‘To” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Huwag palampasin ang engrandeng 30th anniversary celebration ng Asia’s longest-running drama anthology series na “Maalaala Mo Kaya” sa pangunguna ng new theme song rendition ni JM Yosures, at ang inspiring kantahan kasama ang OPM idols na sina Ogie Alcasid, Erik Santos, Kyla, Darren, KZ, Klarisse de Guzman, Jason Dy, Nina, Zsa Zsa Padilla, at Regine Velasquez na may kasamang special guest appearance pa mula kay Charo Santos-Concio.

Aarangkada ang “10Q” treat ng Power Diva na si Angeline Quinto sa kanyang kick-off number kasama ang singing champions na sina Erik Santos, Jed Madela, Elha Nympha, Jason Dy, Janine Berdin, JM Yosures, at Yeng Constantino. Tuloy-tuloy rin ang kantahan sa New-Gen Birit sing-off nina Reiven Umali, Lara Maigue, Sam Mangubat, Anthony Castillo, at Sheena Belarmino.

Pasayahin ang weekend mood sa inihandang party treats mula sa inyong “ASAP Natin ‘To” family, kasama sina Janella Salvador, iDolls, Robi Domingo, Karina Bautista, Aljon Mendoza, Edward Barber, Jameson Blake, Charlie Dizon, at iba pa.

Maki-hataw naman sa nagbabagang sayawan kasama ang trending Kapamilya dance hotties na sina AC Bonifacio, Loisa Andalio, Enchong Dee, Jeremy Glinoga, at Ronnie Alonte, at humanda sa isa pang pasabog na new single performance mula sa on-the-rise P-Pop group na BINI.

At hindi rin pahuhuli ang Asia’s Pop Heartthrob na si Darren sa kanyang King of Pop transformation bilang Michael Jackson sa bagong edisyon ng “ASAP Transformation.”

Paniguradong solb na solb ang weekend niyo sa mga unlimited surprise mula longest-running musical variety show sa bansa, ang “ASAP Natin ‘To,” ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

GMA Network, may Zamboanga station na!

Debut album ng BINI trending online, number one sa iTunes PH