Magsisimula nang magpasiklaban ang sampung trainees na nakapasok sa “The Gaming House,” ang kauna-unahang gaming survival reality show sa bansa para sa aspiring content creators na mapapanood sa iWantTFC at Kapamilya Online Live ng ABS-CBN Entertainment tuwing Sabado ng gabi.
Lima sa kanila ang pinili ng judges – ang summa cum laude graduate na si Claudine Tayco (Odin), Swiss videographer na si Sven Schmid (Nevz), flight attendant na si Denise Nicole Marfil (Den Den), ang young dad na si Jose Emmanuel Ingan (Inganation), at Michael Moens (Venoshii) na mula sa Belgium.
Nakapasok din sa kumpetisyon matapos pangalanang people’s choice ang 24-year-old breadwinner na si Amira Joyce Llacer (Amira), streamer at pro-players na sina Sarah Nicole Nesperos (Seyrah) at Ron Michael Pabalan (Pabbie), YouTuber na si Dannica Suazo (Boss D), at cosplayer na si Cheska Adrielle Galvez (Chekay).
Para sa unang araw nila sa loob ng “Gaming House,” binigyan ang trainees ng sarili nilang streaming set-up at kanya-kanyang vlogging kits. Agad silang sasabak sa iba’t ibang hamon na susubok sa kanilang galing pagdating sa streaming at paggawa ng content.
Sa episode ngayong Sabado (Oktubre 9), iimbitahan naman ng show ang isang kilalang content creator at cosplayer para gabayan ang trainees sa challenge nila.
Sa susunod na tatlong buwan, isang trainee ang malalagas kada linggo base sa mga boto ng viewers at sa mga score na ibibigay ng tatlong judges. Ang matitirang matibay ang hihiranging susunod na gaming icon ng bansa na mananalo ng management contract sa Tier One Entertainment.
Subaybayan ang “The Gaming House” ng Tier One Entertainment, ang nangungunang gaming at esports entertainment company sa Southeast Asia, tuwing Sabado sa Kapamilya Online Live, 11:15 PM sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page at sa iWantTFC app at website. Available rin ang lahat ng episodes nito nang libre sa iWantTFC.
Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFCo sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa [email protected].