in

BGYO, magbibigay inspirasyon sa mga tao sa unang album nilang ‘The Light’

Patuloy ang pagpapamalas ng BGYO kanilang angking galing sa pag-awit sa kanilang pagrelease ng unang album na “The Light” ngayong araw (Okt. 7).

Mararamdaman ang pagmamahal, pakikiramay, at katatagan sa 12 tracks ng “The Light.” Inaalay ng BGYO sa kanilang fans na ACEs ang kanilang carrier single na “When I’m With You,” na isang laid-back EDM pop beat. Kasabay naman ng kanilang album drop ang paglabas ng music video ng “When I’m With You.”

Mapapakinggan din sa unang beses ang mga kantang “Kundiman,” “Fly Away,” “Sabay,” at “Rocketman” na isinulat ng ilan sa mga miyembro ng BGYO. Nasa track list din ang kanilang debut single na “The Light,” ang Bahasa, Japanese, Thai, at Spanish versions nito, ang 2021 Asian Academy Creative Awards Best Theme Song na “He’s Into Her” at “The Baddest.”

Napili rin ang BGYO at sibling group nitong BINI bilang MTV Asia’s Spotlight Artists para sa buwan ng Oktubre at Nobyembre. Panoorin ang linggo-linggo nilang features, interviews, at performances sa lahat ng platforms ng nasabing music channel.

Abangan din ang album drop ng BINI na may titulong “Born to Win” sa Oktubre 14 (Huwebes).

Samantala, isang buwan na lang at mapapanood na rin ng fans ang pinaghandaang sibling concert ng BGYO at BINI na “One Dream: The BINI & BGYO Concert,” sa Nobyembre 6 at 7. Available pa rin ang SVIP tickets sa halagang P1,950 o US$39.99 at maari na silang makapanood ng dalawang show at makasali sa fan meet sa KTX.PH habang sa presyong P1,490 or US$29.99, pwede na rin nilang mapanood ang dalawang show sa KTX.PH, iWantTFC, at TFC IPTV.

Pakinggan na ang debut album ng BGYO sa Spotify at lahat ng major streaming platforms. Kumuha ng updates tungkol sa BGYO at sundan ang BYGO_ph sa Facebook, Twitter, at Instagram, at mag-subscribe na sa YouTube channel nilang BGYO Official.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

GMA Network, may bagong raffle promo simula October 9!

Top Ten Trainees ng ‘The Gaming House’ magpapasiklab na