in

‘Awit Ng Misyon’ music video ni Jamie Rivera, inilabas na

Kwento ng pasasalamat at pagmamahal ang hatid ni Jamie Rivera sa music video ng “Awit Ng Misyon,” ang Tagalog version ng “We Give Our Yes” na nagsisilbing mission song ng pagdiriwang ng ‘500 Years of Christianity in the Philippines.’

Kasabay ng paglulunsad ng music video ang pag-alala sa kaarawan ni Mama Mary o Feast of the Nativity of the Blessed Virgin Mary noong Miyerkules (Setyembre 8).

Tampok sa “Awit Ng Misyon” music video ang espesyal na mensahe ni Archbishop of Manila Cardinal Jose F. Advincula sa mga Pilipino tungkol sa patuloy na pakikinig sa salita ng Diyos, pagdarasal, at pagpapatuloy ng misyon.

Mapapanood din sa video ang iba’t ibang grupo ng mga Pinoy at kanilang interpretasyon ng kanta na kuha mula sa The Manila Cathedral, iba pang simbahan, at magagandang lugar mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Inilunsad naman ni Jamie ang kantang “Awit Ng Misyon” sa “ASAP Natin ‘To” noong Linggo (Setyembre 5) sa pamamagitan ng makabagbag-damdaming production number kasama ang Kapamilya singers na sina Angeline Quinto, Elha Nympha, Erik Santos, Gigi De Lana, iDolls, Janella Salvador, Janine Berdin, Jason Dy, Jed Madela, JM Yosures, Klarisse de Guzman, Lara Maigue, Nyoy Volante, Rachel Alejandro, Sam Concepcion, Sheena Belarmino, at Yeng Constantino.

Naging bahagi rin ng New Music Friday playlist ng Spotify Philippines ang kanta na isang proyekto ng Star Music sa pakikipag-ugnayan sa Archdiocese of Manila.

Ang “We Give Our Yes” composer na si Fr. Carlo Magno Marcelo ang sumulat ng kanta katulong si Quiapo Church Rector Msgr. Hernando Coronel. Iprinodyus naman ito ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo.

Panoorin ang “Awit Ng Misyon” music video ni Jamie sa ABS-CBN Star Music YouTube channel at patuloy na pakinggan ang kanta sa iba’t ibang music streaming services. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter atInstagram (@StarMusicPH).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Estudyante at business owner mula sa Manila, tinanghal na Ultimate ‘Bida Star: Boy Next Door’

Mga komedyante, magpapasiklaban sa pagpapatawa sa ‘Laugh Laban’ sa FYE