in

Lovi Poe, Zanjoe Marudo, nominado sa Gawad Urian para sa ‘Malaya’ ng iWantTFC

Nakakuha ng apat na nominasyon sa prestihiyosong 44th Gawad Urian Awards ang iWantTFC original movie na “Malaya,” kabilang na ang dalawang pagkilala para kina Lovi Poe and Zanjoe Marudo.

Nominado sina Lovi at Zanjoe sa Best Actress at Best Actor categories para sa pagganap nila sa mga karakter nina Malaya at Iago, dalawang overseas Filipinos na magkakakilala sa Italy na parehong matayog ang pangarap at naghahangad ng mas magandang buhay.

Lalaban din ang “Malaya” sa Best Cinematography para kay McCoy Tarnate at sa Best Production Design naman para kay Jay Custodio.

Napapanood nang libre sa Pilipinas ang “Malaya” sa iWantTFC app at website (iwanttfc.com) at available din sa premium subscribers sa labas ng Pilipinas. Ang “Malaya” ay mula sa direksyon ni Connie Macatuno sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment at Sisu.

Ang 44th Gawad Urian Awards ay inorganisa ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino at nakatakdang ganapin ngayong Oktubre 6.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

GMA Network at Regal Entertainment, magsasanib-puwersa para sa biggest telemovie collaboration ng taon!

‘Ultimate Bida Star: Boy Next Door’ ng ABS-CBN, makikilala sa Setyembre 8