in

GMA Network at Regal Entertainment, magsasanib-puwersa para sa biggest telemovie collaboration ng taon!

Dalawa sa mga tinitingalang institusyon sa TV at pelikula ang magsasama para sa isang malaki at espesyal na anthology series na aabangan ngayong taon.

Handog ng GMA Network at Regal Entertainment, Inc. ang ‘Regal Studio Presents,’ na maghahatid ng mga bago at napapanahong TV specials kada linggo.

Para sa premiere episode ng nasabing proyekto, tampok ang Kapuso stars na sina Ken Chan at Sanya Lopez sa “That Thin Line Between.” Ito rin ang magsisilbing unang on-screen tambalan ng dalawa.

Sa kuwento, gaganap sina Ken at Sanya bilang magkapitbahay na accountant at online seller na mahilig magbangayan dahil magkaiba ang kanilang mga paniniwala at ugali.

Bukod dito, excited na rin ang mga fans sa iba pang offerings ng ‘Regal Studio Presents’ na pagbibidahan ng mga sikat na Kapuso love teams tulad nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos or ‘GabLil’ at sina Sofia Pablo at Allen Ansay ng ‘Team Jolly.’

Huwag palalampasin ang mga nakakaantig na istorya na handog ng Regal Studio Presents sa two-part primetime premiere nito sa September 11 and 18 at 8:30PM, bago lumipat sa regular timeslot nito at 4:35PM every Sunday simula September 26 sa GMA.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bagong kanta ni Shawntel Cruz, paglahad ng pag-ibig para sa special someone

Lovi Poe, Zanjoe Marudo, nominado sa Gawad Urian para sa ‘Malaya’ ng iWantTFC