in

Tekla, lotto winner na naging loser sa #MPK

Muling balikan ang kuwento ng isang lotto winner na niloko ng kanyang mga kamag-anak sa Magpakailanman ngayong Sabado, August 28.

Tampok sa episode na pinamagatang ‘Lotto Winner Naging Loser’ si Kapuso comedian Tekla bilang Erwin, isang lalaking masugid na tumataya sa lotto sa pagbabaka-sakaling mapabuti ang buhay ng kanyang asawang si Vergie (Vaness del Moral) at ng kanilang mga anak.

Kahit na laging nakakatanggap ng tulong mula kay Nanay Mimang (Dexter Doria), minamasama ni Erwin ang lahat ng ito dahil tingin niya ay mababa ang tingin sa kanila ni Nanay Mimang.

Kaya naman nang malaman ni Erwin na nanalo siya sa lotto, inilihim niya ito kay Nanay Mimang at ibinalita sa mga pinsan na sina Manuel (Ian de Leon) at Angel (Tonio Quiazon) na nagprisintang tutulong sa pagkuha ng kanyang lotto winnings.

Hanggang isang araw, malalaman ni Erwin na itinakbo ng kanyang mga pinsan ang malaking bahagi ng perang dapat ay sa kanya. Mababawi pa kaya niya ito?

Muling mapapanood ang “Lotto Winner Naging Loser” ngayong Sabado, August 28, 7:15 p.m. sa #MPK.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

La Santos at rapper na si CLR, nanghaharana sa ‘Ano’ng Pangalan Mo?’ single

‘Catch Me Out Philippines,’ exciting ang huling dalawang linggo!