in

‘Catch Me Out Philippines,’ exciting ang huling dalawang linggo!

‘Wag nang magpahuli at tumutok na sa huling dalawang exciting na pasiklaban ng mga baguhan sa weekend reality game show ng GMA Network na Catch Me Out Philippines.

Ngayong Sabado, August 28, makakasama nina Jose Manalo at Derrick Monasterio ang celebrity guest Spotters na sina Lolong star Ruru Madrid at Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento star Mikee Quintos.

Susubok naman sa masayang hulihan at hulaan ang celebrity Catchers na sina Myrtle Sarrosa, Dave Bornea, Nikki Co, Ayra Mariano, at Garrett Bolden kasama ang limang Kapuso viewers.

Magpapasiklaban ang isang estudyante mula Nueva Ecija at isang nanay mula Quezon City upang mapaniwala ang Spotters at Catchers na hindi sila amateurs. Sino sa kanila ang magtatagumpay na maiuwi ang grand prize?

Abangan ang ‘Catch Me Out Philippines’ ngayong Sabado, 8:30PM, sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Tekla, lotto winner na naging loser sa #MPK

Dingdong Dantes, palaging pinapakilig si Marian Rivera!