in

Talentadong Gen Zs, pwedeng magpasikat sa ‘On Ztage With AC Bonifacio’

May bagong tambayan ang mga talentadong Gen Z sa bagong digital show ng FYE channel na “On Ztage with AC Bonifacio,” na mapapanood na sa kumu simula sa Agosto 28 (Sabado).

Kasama ang teen icon at total performer na si AC, layunin ng weekly program na mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na magpasikat sa kumu.

Itatampok sa main segment nito na “Your Ztage” ang iba’t ibang talent ng mga Gen Z, na siguradong magpapalakas ng loob at magbibigay-inspirasyon sa mga kapwa nila kabataan na mas pagbutihin pa ang kanilang mga talento sa pagkanta at pagsayaw.

Bukod sa talent discoveries, pag-uusapan din sa “On Ztage” ang mga trending sa music at mga dance craze na pangungunahan siyempre ni AC, na laging humahakot ng milyun-milyong views ang mga dance cover na ipino-post niya sa kanyang official YouTube channel at TikTok.

Mas pinalawak pa ng “On Ztage” ang iba’t ibang handog ng FYE channel sa kumu, na noong Hulyo ay nagdiwang ng una nitong anibersaryo. Marami pang digital shows ang nakatakdang ilunsad bago matapos ang 2021, kasama na ang ikatlong season ng “The Best Talk” ni Boy Abunda.

Ipamalas na ang talent mo sa “On Ztage with AC Bonifacio,” mapapanood nang live sa FYE channel 7PM kada Sabado, simula sa Agosto 28. I-download na ang kumu app at sundan ang @fyechannel. Para sa iba pang detalye, sundan ang @fyechannel sa Instagram.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

GMA Artist Center, may vaccine awareness campaign

Camille Prats, masaya na napapanood muli ang ‘Makulay ang Buhay!’