in

GMA Artist Center, may vaccine awareness campaign

Sey ng mga GMA Artist Center talents sa publiko, dapat i-#FlexMoNa ang pagpapabakuna!

Sa kanilang inilunsad na online vaccine awareness campaign noong Biyernes, iba’t ibang mga Kapuso stars ang lumahok para hikayatin ang mga tao na magpabakuna laban sa COVID-19.

Ilan sa kanila ay sina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Sanya Lopez, Bianca Umali, Ken Chan, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Barbie Forteza, Jak Roberto, at marami pang iba.

Mainit itong tinanggap sa social media at naging Top Trending Topic din ito sa Twitter ilang oras lamang ang nakalipas matapos ang official launch.

Kaya naman panawagan nila sa mga Kapuso, huwag kalimutang gamitin ang hashtag ‘#FlexMoNa’ online sa tuwing ipamamalita ang successful na pagpapabakuna. Manatiling ligtas at sama-sama nating labanan ang COVID-19!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Music video launch ng BGYO na ‘The Baddest,’ trending at pinag-usapan

Talentadong Gen Zs, pwedeng magpasikat sa ‘On Ztage With AC Bonifacio’