in

‘Makulay ang Buhay’ kasama si Camille Prats muling mapapanood simula August 21

Tiyak na matutuwa ang mga #TeamBahay na mommies at kids dahil simula August 21 ay mapapanood muli ang edu-tainment show na “Makulay ang Buhay” kasama sina ‘Mom C’ Camille Prats, Benjie, at Penpen every Saturday at Tuesday mornings sa GMA.

Hatid ni ‘Mom C’ Camille at ng kanyang kasamang dalawang puppets—si Benjie na isang nine-year-old grade-schooler at ang cute na cute na dog best friend nitong si Penpen—ang umagang siksik sa masasayang music videos, nakaaaliw na kuwento, iba’t ibang games, at other activities na talaga namang mae-enjoy ng parents at kids habang safe na nasa loob ng mga tahanan. Tampok din sa Makulay ang Buhay  ang engaging na discussion tungkol sa effect ng gadgets, food safety at foodborne diseases. Paano nga ba natin masisigurado na nutri-sarap ang ating inihahandang pagkain para sa ating mga anak?  Sagot  na ‘yan nina ‘Mom C’ Camille na magbabahagi ng mga pwedeng i-prepare na pagkain gamit ang gulay na pamilyar sa ating lahat!

Kaya naman, gumising na nang maaga at makisaya kay ‘Mom C’ Camille, Benjie, at Penpen sa “Makulay ang Buhay” tuwing Sabado, 9:45 a.m., at Martes, 8 a.m., simula August 21 sa GMA Network!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

CocoJul training para sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano,’ kinakiligan at kinasabikan ng fans

Saya ng inumang Pinoy, inalala sa kantang ‘Kapitbahay’ ng Emotikons