in

CocoJul training para sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano,’ kinakiligan at kinasabikan ng fans

Mainit na usap-usapan sa social media ngayon ang inaabangang karakter ni Julia Montes sa Kapamilya teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” matapos ilabas ng Dreamscape Entertainment ang matitinding training videos ng aktres, pati na ang patikim na fight scenes niya kasama si Coco Martin.

Sa pinakahuling video na inilabas, makikitang sumasabak si Julia sa iba’t ibang maaaksyong fight scenes habang tinuturuan at inaalalayan siya ni Coco. Sabik na rin ang netizens na mapanood ang mala-Black Widow at Angelina Jolie na karakter ni Julia.

Pahayag ng stunt coordinator ni Julia na si Erwin Tagle, partikular si Coco sa pag-eensayo ng aktres para masigurong makuha nito ang tamang pag-atake sa gagampanan niyang karakter.

“Gusto talaga ni Direk Coco na bumuo ng team for Julia na pagdating sa fight scenes ni Julia. Pati camera shots, pati camera angles, iba ang approach. Cinombine ko ang Filipino martial arts, ‘yun ang fight design talaga namin for Julia. Although nag-request si Direk Coco na ‘bigyan mo ako ng street fight, konting brawl,’” saad ni coach Erwin sa isang “TV Patrol” report.

Kanya-kanyang hula naman ang netizens kung ano nga ba ang magiging papel ni Julia sa serye, lalo’t hindi pa tiyak kung magiging kakampi o kaaway ba siya ni Cardo Dalisay (Coco Martin) sa longest-running action-drama series sa bansa.

Komento ng Twitter user na si @Carma78059960, “OMG! May pumutok yata na ugat sa leeg ko sa kilig! Wahahaha! Kaya pa kaya hanggang september?”

“Na-amazed ako sa training session ng CocoJul! Talagang aabangan ko yan sa September!,” sabi ni Jong Mutia.

Ayon naman sa komento ni Joyce Apiag sa YouTube, “Siya talaga ang Black Widow ng Philippines!!! Ang husay mo Julia, the whole team was also incredible. FPJ’s Ang Probinsyano became more interesting because of Julia.” Saad naman ni Jonalyn Mesa, “Galing! Feeling ko nanonood ako sa ibang bansa. Parang Angelina Jolie dating nito.”

Huwag palampasin ang mga maaaksyong eksena sa “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “FPJ’s Ang Probinsyano.” Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang abscbnpr.com.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Star-studded birthday treat ni Ogie Alcasid, tampok ngayong Linggo sa ‘ASAP Natin ‘To’

‘Makulay ang Buhay’ kasama si Camille Prats muling mapapanood simula August 21