in

Ron Solis, may mensahe ng Self-Love para sa LGBTQIA+ Community

Sariling karanasan niya sa pag-ibig ang maririnig sa self-titled extended play record (EP) ng New York-based Filipino singer-songwriter na si Ron Solis, tampok ang limang original tracks na tinatalakay ang ‘universal language of love’ at nagbibigay-halaga sa self-love.

“My feelings and experiences are genuinely my own. I do not label it as gay. It is human. My lyrics are a series of events that happened in my life and the mood of my memories are the melodies of the songs,” aniya.

Ayon kay Ron, na lumaking iniintindi ang kanyang sekswalidad at konsepto ng pagmamahal base lamang sa nakikita niya sa kanyang mga magulang at napapanood sa media, nag-focus siya sa musika dahil alam niyang pwede nitong mapagkaisa ang mga tao sa kabila ng mga pagkakaiba.

“We may have different beliefs, but when we hear music, sound waves are literally travelling inside our bodies, vibrating tiny bones in our ears, and firing synapses in our brains. We all hear it the same way—in our mind and in our heart,” paliwanag niya.

Ito rin ang dahilan kung bakit ini-release niya ang EP sa ilalim ng Star Music nitong June 25, sakto sa selebrasyon ng Pride Month. May apat itong Tagalog na kanta at isang English song na isinulat niya lahat at umiikot ang lyrics sa maraming mukha ng pag-ibig—mula sa heartbreak (“Last Love Song”), pagmo-move on (“Huwag Ka Nang Umiyak”), pagsisimula uli (“Sana Naman” at “Laging Ikaw”), at pagkakaroon ng bagong minamahal (“Ngayong Nandito Ka Na”).

Passion project ni Ron ang mini album kasama ang isa sa best friends niyang si Ken Javines, na layuning makahikayat ng awareness at kumatawan sa LGBTQIA+ community.

Ngayong pareho na silang nakatira sa US, sinubukan nilang ipakita na nalalagpasan ng pag-ibig ang mga limitasyon sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mga kwento ng pag-ibig ng same sex couples sa complementary visual album special documentary na idinirek ni Ken. Co-producer din siya ng lahat ng music video ng mga kanta sa album na kinunan nang buo sa New York City.

Umaasa si Ron na mag-iiwan ang EP ng mensahe ng self-love. “Love is complex but love is beautiful. And no matter who you are, what your orientation is or gender identity, you should always love yourself first. Only then can you express it outwardly with respect and compassion to other people.”

Yakapin ang anumang anyo ng pag-ibig at pakinggan ang eponymous EP ni Ron sa iba’t ibang digital music streaming platforms. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph), at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Abangan ang lalong pag-kinang ng mga World Class Performers at hosts sa bakuran ng Star Magic

Claire Castro at Royce Cabrera, magpapainit ng mga hapon sa ‘Nagbabagang Luha’