in

Claire Castro at Royce Cabrera, magpapainit ng mga hapon sa ‘Nagbabagang Luha’

Hindi umubra ang malamig na panahon sa sizzling and daring photos ng Kapuso stars na sina Claire Castro at Royce Cabrera para sa kanilang upcoming Afternoon prime series na ‘Nagbabagang Luha.’

Magkahalong excitement at intriga ang naging reaksyon ng netizens sa behind-the-scene photos nina Claire at Royce na parehong mga bagong mukhang mapapanood sa GMA Afternoon prime block.  Ang Nagbabagang Luha ang unang major TV project nilang dalawa. 

Gagampanan ni Claire ang role ni Cielo na orihinal na binigyang-buhay ni Alice Dixson. Si Cielo ang mapusok at rebeldeng kapatid ni Maita na gagampanan naman ni Glaiza de Castro.

Samantala, gaganap naman si Royce bilang si Sherwin na isang big-time drug dealer.

Abangan ang ‘Nagbabagang Luha,’ soon sa GMA Afternoon Prime.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ron Solis, may mensahe ng Self-Love para sa LGBTQIA+ Community

Jayda Avanzado, ibinahagi ang puso sa kanyang debut album