in

KIKX Salazar, may tribute kay Michael Jackson

Tribute sa pinakamalaking musical influence ni KIKX Salazar na si Michael Jackson ang bago niyang kanta na pinamagatang “Your Name,” kung saan naka-collab niya ang baguhang Filipino-Jordanian rapper na si ACE$.

Tungkol ang kanta sa malalim na obsession at matinding pag-ibig na inspired din sa mga tema ng kanta ng King of Pop. Bida sa Old School Records release ang synthwave sound na sumikat noong ‘80s.

Taong 2019 pa raw unang isinulat ni KIKX ang “Your Name” pero sa final version ng kanta, co-writer na ang frontman ng bandang Nameless Kids na si Nhiko Sabiniano. Ang featured artist sa awitin na si ACE$, tumulong din sa pagsusulat ng additional rap lyrics.

Samantala, dahil layunin ng Old School Records na ibalik ang mga dating era sa music, nag-release din ng remix version ng kanta si KIKX—na karaniwang ginagawa noong ‘90s para sa mga espesyal na single.

Bukod kay ACE$, kasama rin sa “Your Name (Remix)” ang isa pang fresh face sa music scene na si Kevin Redder. Si Nhiko naman ang nag-arrange ng bersyong ito na may dagdag ding lyrics at mas mabagal na tempo.

Pakinggan ang “Your Name” at remix nito sa various digital music streaming services. Para sa iba pang detalye, sundan ang Old School Records sa Facebook, Twitter, at Instagram.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pokwang, relate sa karakter niya sa ‘Wish Ko Lang?’

GMA Now, mas ginawang abot-kaya!