in

RitKen, magpapakilig sa ‘Kapuso Fans Day’ ng GMA Regional TV ngayong Biyernes

Maagang magpapakilig sina Ken Chan at Rita Daniela ngayong Biyernes (June 25), 8 a.m., sa “Kapuso Fans Day on TV” ng GMA Regional TV na mapapanood sa iba’t ibang morning shows ng regional arm ng Kapuso Network.

Makikipag-bonding ang mga bida ng bagong seryeng “Ang Dalawang Ikaw” sa ilang fans nila mula Luzon, Visayas, at Mindanao bilang pasasalamat na rin sa walang sawang suporta ng mga ito sa kanila. Bago ang pandemya, kabilang ang RitKen sa mga Kapuso stars na umiikot sa iba’t ibang panig ng bansa via various Kapuso Mall shows ng GMA RTV.

“Nakakamiss ‘yung yakap nila, ‘yung sigawan, ‘yung bigla kang hahalikan sa pisngi. Hinahanap-hanap ko ‘yun,” pagbabahagi ni Ken.

Last week, ang Legal Wives star na si Bianca Umali ang unang tampok sa Kapuso Fans Day. Every Friday ito mapapanood ng mga Kapuso sa regions via “Mornings with GMA Regional TV” sa North Central Luzon, “GMA Regional TV Live!” sa Central and Eastern Visayas, “GMA Regional TV Early Edition” sa Western Visayas, at “At Home with GMA Regional TV” sa Mindanao.

Bahagi rin ang nasabing Kapuso Fans Day on TV sa pagdiriwang ng 71st anniversary ng GMA Network. Dapat din daw abangan ang iba pang “new normal” events na inihanda ng GMA RTV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Luke Conde, bet makatrabaho sina Rhian Ramos at Klea Pineda

Paboritong ABS-CBN movies at teleserye, may English subtitles at dubbing na sa YouTube