in

Luke Conde, bet makatrabaho sina Rhian Ramos at Klea Pineda

Ganap nang Kapuso si Luke Conde matapos siyang pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center noong nakaraang Miyerkules, June 16.

Kuwento ni Luke, dalawa sa mga pangarap niyang makatrabaho sa GMA ay ang mga aktres na sina Rhian Ramos at Klea Pineda, “Lagi kong sinasabi si Rhian Ramos pati si Klea Pineda. Sila kasi ‘yung nakikita ko na magaling sa acting and I think macha-challenge ako pag sila ‘yung magiging ka-eksena ko. Masarap sa pakiramdam na I’ll be able to give different kinds of energies while we are doing scenes dahil magaling na mga aktres sila.”

Kasalukuyang pinaghahandaan ni Luke ang magiging role sa upcoming mini-series na ‘Never Say Goodbye’ kung saan makakasama niya si Klea Pineda. Abangan ang iba pang mga detalye tungkol dito sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jerry Yan at Shen Yue, todo Ang pagpapakilig sa ‘Count Your Lucky Stars’ finale week

RitKen, magpapakilig sa ‘Kapuso Fans Day’ ng GMA Regional TV ngayong Biyernes