in

Willie Revillame at John Lloyd Cruz, may exciting na sorpresa ngayong Linggo

Bukod sa patuloy na paghatid ng kasiyahan at papremyo sa Kapuso viewers, abala rin ang Wowowin host na si Willie Revillame sa pagpapagawa ng kaniyang resort sa Puerto Galera. Kuwento niya sa isang online media event kahapon, may iilan na ring mga kaibigang artista ang nakabisita doon tulad ni John Lloyd Cruz.

And speaking of John Lloyd, makakasama niya ang aktor sa isang espesyal na segment ng Shopee ngayong Linggo, June 6. Ito rin ang magsisilbing pagbabalik-telebisyon ni John Lloyd na mapapanood nga sa GMA.

“I talked to John Lloyd personally noong nandoon kami sa Puerto Galera. Ang ganda nito sa comeback mo, very special ‘yan. You have to watch that kung ano ang gagawin ni John Lloyd sa Sunday,” ayon kay Willie.

Tutukan ang TV special na ito sa Linggo, June 6, 2 p.m., sa GMA Network!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Beauty Gonzalez, Kapuso na raw?

DA HU!? “Pabida” BL actor kaliwa’t kanan mga tinatanggap na regalo mula sa rich bekis, abusado na raw?