in

Beauty Gonzalez, Kapuso na raw?

Kumakalat ang bali-balitang lilipat na sa GMA Network ang Spanish-Filipina actress na si Beauty Gonzalez. 

Matatandaang 2018 pa nang unang lumabas ang mga haka-hakang magiging Kapuso na ang aktres matapos mapabalitang bumisita siya sa GMA Network Center para kausapin ang ilang Kapuso executives.  

Uminit pa ang mga ispekulasyon nang mag-guest si Beauty sa Kapuso game show na ‘Celebrity Bluff’ ni Eugene Domingo. 

At ngayon nga ay kumpirmado nang mapapanood sa GMA-7 si Beauty na kabilang sa isang upcoming soap. Excited na ang fans ni Beauty sa gagawin niyang programa at kung sinong Kapuso stars ang makakatrabaho niya rito.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jerry Yan, may pinagseselosan sa ‘Count Your Lucky Stars’

Willie Revillame at John Lloyd Cruz, may exciting na sorpresa ngayong Linggo