in

Rita Daniela, emosyonal sa kanyang Best Actress nomination sa 11th International Film Festival Manhattan

Emosyonal ang Kapuso actress na si Rita Daniela nang malaman na kabilang siya sa mga nominado bilang Best Actress sa 11th International Film Festival Manhattan para sa kanyang pagganap sa pelikulang ‘In The Name of the Mother.’

Sa panayam ni Rita kamakailan sa 24 Oras, inihayag niya ang nararamdamang saya at pasasalamat, “The fact na napansin ako, na-appreciate nila ‘yung trabaho ko doon sa pelikula na ‘yun, nakakakilig. Kaya ako naiyak kasi parang nakakakilig na nakaka-excite na nakakatuwa.”

Dagdag pa ni Rita, karangalan daw na maituturing ang tiwalang binigay sa kaniya para sa role sa nasabing pelikula na idinirek ni Joel Lamangan.

“First ko narinig sa kanya na ‘Congratulations! You did great in this movie,’ sabi niya, ‘Congratulations in advance. Thank you for giving a good work.’ ‘Yun ‘yung naalala ko kaya naiyak na lang ako nung nakita ko ‘yung nomination kasi sabi ko, ‘Ah, okay. Mukhang totoo nga ‘yung sinabi ni Direk Joel.'”

Bukod kay Rita, nominado rin sa parehong category ang beteranang aktres na si Snooky Serna na kasama niya sa pelikula.

Samantala, malapit na muling mapanood sa telebisyon si Rita kasama ang ka-loveteam na si Ken Chan sa upcoming GMA Afternoon Prime series na ‘Ang Dalawang Ikaw.’ Abangan!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

DA HU!? Binatang aktor na galing sa all-male group, malakas ang kapit kay pa-girl direktor

Mga Pilipinong naghahatid ng Liwanag at Ligaya, bibida sa ‘Feel Good Pilipinas’ Special ID ng ABS-CBN