in

BGYO, pasok sa no.2 sa Billboard Next Big Sound Chart

Pinaramdam ng breakout P-Pop group na BGYO sa international music scene ang kanilang bagsik sa pagpasok nila sa top 2 sa Billboard Next Big Sound chart nitong Linggo ng Mayo 15.

Sa Next Big Sound chart makikita ang pinakamabilis na sumikat na musical artists linggo linggo, base sa paglabas nito sa lahat ng kilalang social music sites.

Bago pumasok sa Next Big Sound Chart, umabot rin sa number 2 ang BGYO sa Next Big Sound’s Pandora Predictions Chart, kung saan kinikilala ang artists ayon sa kanilang malaking potensyal na sumikat.

Kasalukuyang napapakinggan sa iba’t ibang music platforms ang kalalabas pa lang na single ng grupo, ang “He’s Into Her,” na siya ring official theme song ng inaabangang ABS-CBN weekly series na pagbibidadahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Inaabangan na ng fans ng grupo ang parating na single nito na “Feel Good Pilipinas” kasama ang isa pang Star Music artist na si Kz Tandingan.

Unang naglabas sina Gelo, Akira, JL, Nate, at Mikki ng BGYO ng kanilang single na “The Light” nang sila’y ilunsad noong Enero nitong taon. Napapakinggan rin ito sa iba’t-ibang international streaming platforms, at umabot pa sa Top 5 iTunes chart.

Samantala, umabot na ng higit isang milyon ang views sa music video nito sa Facebook at YouTube.

Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Meryll Soriano, may kinupkop na anak sa labas sa ‘MMK’

‘KMJS,’ most followed Filipino TV show sa Facebook