in

Pj Endrinal may pangako ng pag-ibig sa kantang ‘Di Man Ngayon’

Tila nanghaharana ang “FPJ’s Ang Probinsyano” actor na si PJ Endrinal sa bago niyang awitin na pinamagatang “Di Man Ngayon.”

Puno ng pag-asa ang bagong Star Pop single na kwento ng isang nagmamahal at naghihintay na siya ay mahalin din ng taong malapit sa kanyang puso.

Sinundan nito ang mga kantang dati nang inilabas ni PJ na “Beautiful Baby” at “Pag-ibig Nga Naman” mula pa rin sa nasabing ABS-CBN Music sublabel.

Si Gabriel Tagadtad ang sumulat ng “Di Man Ngayon” na iprinodyus naman ng Star Pop label head na si Rox Santos.

Si PJ ay isang Star Magic artist na napapanood sa longest-running Kapamilya series na “FPJ’s Ang Probinsyano” bilang si Wally Nieves. Naging bahagi rin siya ng cast ng ilang blockbuster movies tulad ng “Unbreakable,” “3pol Trobol: Huli Ka Balbon!,” “Jack Em Popoy: The Puliscredibles,” “Just the 3 Of Us,” at “Finally Found Someone.”

Pakinggan na ang “Di Man Ngayon” ni PJ sa iba’t ibang music streaming services at panoorin ang lyric video nito sa Star Music YouTube channel. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook (www.facebook.com/starpopph) at sa Twitter at Instagram (@starpopph).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Zaijian Jaranilla, dala ang bandera ng ‘Pinas sa ‘Almost Paradise’

ABS-CBN, andito pa rin para sa mga Pilipino