in

Bernadette Sembrano, may alay na ‘Yakap’ para sa mga Pinoy

Isang taon matapos ang shutdown ng ABS-CBN, naglabas si Bernadette Sembrano ng awiting “Yakap” para mapagaan ang loob ng kapwa Pilipino.

“I miss comforting people with a hug. And I miss being hugged, too. Please allow our music to embrace you during these times,” aniya.

Kasagsagan ng umpisa ng pandemya noong 2020 unang pumasok ang ideya ng kanta sa “TV Patrol” anchor, kung kailan puno ng takot ang mga tao dahil sa banta ng COVID-19.

Si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang nagtulak kay Bernadette na gumawa ng kanta tungkol sa ‘yakap,’ na naging dahilan para maisulat niya nito.

Bukod sa lyrics, siya na rin ang nagsulat ng musika ng “Yakap,” kaya naman ito ang kauna-unahang kanta na siya ang nag-compose nang buo. Si Jonathan naman ang nag-produce nito.

Swak ang kanta para sa Kapamilya fans, artists, workers at kanilang mga pamilya na madalas sinasabi ang salitang ‘yakap’ bilang pagpapakita ng pagmamahal at pakikiramay sa isa’t isa noong ipinatigil ang broadcast operations ng ABS-CBN.

Naging personal naman ang kahulugan ng kanta para kay Bernadette na kamakailan lang ay gumaling mula sa COVID-19.

“Parang naging note to self siya,” aniya. “’Yung intensyon ng kanta ay mag-comfort ng iba pero ngayon na nakakaranas ako mismo ng anxiety, na-remind ako na alalahanin ang good times at ngumiti dahil magiging okay din ang lahat.

Noong isang taon, nakipag-collaborate din siya kay Jonathan para sa kantang “Ang Sa Iyo Ay Akin” at nag-release ng pamaskong kanta na “Yakapin ang Pasko.”

Pakinggan ang bagong single ni Bernadette na “Yakap” sa iba’t ibang digital music streaming platforms. Para sa iba pang detayle, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mga Kwentong Nanay, bibida sa Cinema One

Andrea Torres, blooming sa ika-31 kaarawan